Lbc Express - Complaint

220 of 819 Lbc Express reviews

The Manager, LBC Express Inc. at sa mga Kinauukulan,

Ako po si Ricardo A. Del Rosario na wastong edad na nakatira sa Angono Rizal ay sumulat sa inyong tanggapan hinggil sa ipinadala kong package sa probinsya ng Albay noong January 30, 2016, sa pamamagitan ng inyong opisinang LBC Express na naka Branch sa Antipolo Circumferential Road.

Ang package po ay ipinadala ko with my name, Ricardo del Rosario as sender with all may signatures on edge of packing tapes upang maihatid sa inyong opisina sa LBC Express doon sa inyong branch sa Tabaco City, Albay, na naka pangalan naman sa aking anak na si Donna Del Rosario, c/o Adelina Cleofe as the receiver na binayaran ko ng kabuuang P335.00 pesos.

Ang mga nilalaman po ng package ay Assorted Chocolates na may approx 2.6kilos, isang boteng Nutella Spread at Dalawang Sando Shirts..

Dumating sa Albay ng February 2 2016, at napick-up naman ni Donna del Rosario bearing the ID of Mrs.Adelina Cleofe..They received the package wrap with a Plastic with confidence na na tinanggap sa Lbc office sa pag-aakala naman complete ang package...

However, pagdating pa lang sa bahay ay immediately binuksan na kaagad, at an instance na binuksan nila ang package ay immediately na reveal na rin na butas ang sa isang side na walang pirma with a hole larger than the fist of Donna.

Hindi naman ito ngatngat ng Daga at aware naman namin kung anong damage ang mga nagagawa ng Daga..Ito ay gawa ng isang Tao na ayon sa profile ng butas, ito ay ginamitan ng finger pressure upang mabutas sa isang side at hinila ang carton sa kabilang side at nahayag na pinilas hanggang sa lumaki na kasing laki ng Fist,

Base sa estimate namin, about 1-kilo ng nga Assorted Chocolate ang nahila palabas at nawala ng tuluyan dahil ako pa ang nag-pack na may kasamang KISSES Brand item...Naging empty or blank space na lang yung portion ng may butas at I'm sure na may nawala sapagkat walang space yung kahon dahil ako pa ang nagload ng content dun sa box together with your Antipolo Lbc branch employee..

Mga Boss ng LBC, hindi ko po sinusulat ito upang mabawi ko yung isang kilong chokolate...Ginawa kong sumulat sa inyo para maging aware nama n kayo na may nangyayari palang ganitong corruption na maaaring hindi nakarating at hindi pa nakakarating sa inyong kaalaman...Marami pa po sanang parating na ganyan ang aming mga OFW na anak na In Good Faith namin ipinadala thru your good office na mauuwi lang pala sa mga nananamantala sa inyong hanay..Papaano pa kami magpapadala uli thru your LBC express kung may Malaking Daga kayo sa opisina man o sa Delivery Section that will "Devour your Business"..

Bantulot akong i-post ito sa media, however, galit ang aking mga anak at hindi ko na nasasakupan ang kanilang damdamin kung paratingin sa social media sapagkat alam nyo naman ang Trending Matters and they want to expose this case to their Friends...Ang "Big Question" dito na dapat paimbestigahan nyo ay, Bakit kailangan nyo na balutin ng Plastic ang isang Box na hindi nyo naman common na ginagawa..."Are they trying to hide something here" para mapagtakpan ang Butas para hindi mapansin ng receiver at sa bahay na lang nila malalaman na butas na, tapos, i-deny nang Company na hindi nangyari sa inyo ang pagbubukas ng box na walang consent na kung tatawagin ay "pagnanakaw"?

Pakiayos lang po ang lahat dyan sa provincial branches ng Tobaco city Antipolo Rizal thru Tobaco City, Albay at malaya po kayong sagutin itong sulat ko thru my email Ricdelros@yahoo.com...Please see the attached

pictures.

Sincerely Yours,

Ricardo A.Del Rosario

PS..Isinulat ko dito sa Review kasi wala akong makitang LBC Complaint Department.

This review is a subjective opinion of a user.
Report Comment

More Review Details

Reason of review:
Order processing issue
Product or service
Lbc Express Shipping
Review category
Shipping
review #783355
Had an experience with Lbc Express? Submit review ›
Helpful? 0 Yes 0 0 No 0
Had the same issue 0 Yes 0
220 of 819 Lbc Express reviews
Comment as anonymous As anonymous or Log in
OR Is it your business? Respond to your
customers as verified company representative.
Apply for a Free Plan
Anonymous

Jun 20 #1175559

Cameras cameras..

0 0 Reply
Great comment! Would you like to convert it into review?

You will be able to edit the text before publishing.

You May Also Like

× You are about to contact PissedConsumer.com

Review submitted through "Contact Us" will not get published on the site or forwarded to Lbc Express. However, many companies do monitor reviews on our site.

 
×
You were reading a complaint about Lbc Express.
Filing a new complaint about
×